Skip to main content
GOV.PH | Philippine Standard Time: 07 October 2026, 01:15 AM

ANG MABILIS NA PAGTUGON NG DSWD SA MASBATE

Masbate, Kasama niyo ang DSWD sa Muling Pagbangon Matinding pagsubok ang iniwan ng Bagyong #OpongPH sa Masbate, ngunit kasabay ng unos ay ang mabilis na pagtugon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang mga lokal na pamahalaan. Sa loob lamang ng maikling panahon, umabot na sa higit 140,000 kahon ng family food packs (FFPs) ang naipamahagi sa mga pamilyang apektado ng kalamidad na nagtiyak na hindi sila magugutom habang sila ay bumabangon. Bukod sa food assistance, sisimulan na rin ng DSWD ang Emergency Cash Transfer (ECT) program para sa mga pamilyang may partially at totally damaged houses. Sa pangunguna ng mga Angels in Red Vests at sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan, layunin ng programang ito na makapagbigay ng financial assistance para muling makapagsimula ang bawat Masbateño tungo sa mas ligtas at maayos na pamumuhay. Hindi madali malampasan ang hamon, pero sa sama-sama nating pagkilos, ang bawat Masbateño ay makakabangon. REX Gatchalian #BawatBuhayMahalagaSaDSWD Click here: https://www.facebook.com/reel/2538693113190182
Skip to content