ANG PAGBANGON NG MASBATE ISANG BUWAN MATAPOS ANG PANANALASA NG BAGYONG OPONG
Isang buwan matapos ang pananalasa ng Bagyong Opong sa Masbate, sinubok ng panahon ang ating katatagan at bayanihan. Sa kahit ano mang unos ang dumating, tayong mga Milagreño ay nanatiling matatag, muling bumabangon at nagkakaroon ng panibagong pag-asa.
Ang pamahalaang lokal ng Milagros ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong, nagbigay serbisyo at malasakit. Kami ay sumasaludo sa bawat partner at volunteer na naglaan ng oras at lakas para sa ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyo, lubos po ang aming pasasalamat.
Tulong-tulong hanggang dulo!
Tunay nga, walang bagyo ang kayang hadlangan ang puso na handang bumangon.
Maraming salamat po!
DIOS MABALOS!
#MilagrosTODAY
#OpongPH
#MilagrosMasbate
Click here: https://www.facebook.com/share/v/16R1431qLD/



