Skip to main content
GOV.PH | Philippine Standard Time: 14 October 2026, 03:28 AM

DENGUE ALERT

Nakapagtala na ng kaso ng Dengue sa iba’t-ibang barangay sa ating Munisipyo. Pinaalalahanan ang publiko na ugaliing gawin ang 5S Strategy. Ang 5S KONTRA DENGUE ay pamamaraan na isinusulong ng Department of Health upang labanan ang Dengue at bigyang proteksiyon ang ating mga sarili laban sa kagat ng lamok na nagdadala ng Dengue Virus. 1. Suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok. (SEARCH and DESTROY) 2. Sumangguni sa pinakamalapit na pagamutan kung may nararamdamang sintomas. (SEEK EARLY CONSULTATION) 3. Sarili ay protektahan laban sa lamok sa pamamagitan ng paggamit ng insect repellant, pagsusuot ng long sleeves at paggamit ng kulambo. (SELF PROTECTION MEASURES) 4. Sumuporta sa spraying o fogging kapag may banta ng outbreak. (SAY YES TO FOGGING ONLY DURING OUTBREAKS) 5. Siguraduhing laging may sapat na tubig sa katawan. (SUSTAIN HYDRATION) Sa pamamagitan ng pagsunod dito, maiiwasan natin ang magkasakit at mababawasan ang pagtaas ng kaso ng Dengue sa ating lugar. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kumunsulta at tumawag sa: Municipal Health Office ☎️ (056)-333-2815 #4SKontraDengue #dengueadvocacy
Please click link for more information: https://www.facebook.com/share/p/16G9bpvGc3/
Skip to content