Skip to main content
GOV.PH | Philippine Standard Time: 05 October 2026, 05:29 PM

Komunidad sa Magsalangi, katuwang ng PRDP sa monitoring ng 6-km FMR sa pamamagitan ng CMT

Komunidad sa Magsalangi, katuwang ng PRDP sa monitoring ng 6-km FMR sa pamamagitan ng CMT Sumali sa Citizens Monitoring Tool (CMT) training ang mga benepisyaryo ng isinasagawang proyekto ng Philippine Rural Development Project (PRDP) sa Milagros, Masbate. Ito ang Concreting of Magsalangi Farm-to-Market Road na may habang 6-kilometro na may pondong P178.1 M. Ayon kay Jessalyn Alipin, Brgy. Kagawad sa Magsalangi, malaking tulong ang CMT dahil nalaman nila na kailangan i-monitor ang ginagawang proyekto upang masiguro ang progreso at masigurong nasa ayos ang implementasyon ng proyekto. Ang CMT ay binubuo ng mga kinatawan mula sa komunidad, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, kababaihan, kabataan, at iba pang sektor. Sila ang nagsisilbing mata at tainga ng pamayanan sa pagsubaybay sa mga proyekto ng PRDP, mula sa pagsisimula hanggang sa pagkumpleto. BASAHIN ANG BUONG DETALYE SA LINK NA ITO: https://bicol.da.gov.ph/komunidad-sa-magsalangi-katuwang…/ #MilagrosTODAY

Please click link for more information: https://www.facebook.com/share/p/14LLoc4HcvK/
Skip to content