MEDICAL AT SURGICAL MISSION PARA SA MGA MASBATENO
Sa diwa ng tunay na serbisyo at malasakit, ikinararangal ko po na ipabatid sa ating mga kababayan na ang MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL, katuwang ang Philippine Medical Society of Northern California, ay magsasagawa ng isang Medical at Surgical Mission mula Enero 26–30, 2026, sa Masbate Provincial Hospital.
Ang makataong gawaing ito ay inihahandog para magbigay ng libreng serbisyong medikal at operasyon sa mga Masbateñong nangangailangan, matapos ang masusing pagsusuri at wastong screening.
Magsisimula ang paunang screening sa Enero 6 hanggang 20, 2026, na gaganapin sa mga RHU at PLGU Hospitals, kung saan ang mga pasyente ay kokonsulta sa mga doktor at sasailalim sa kinakailangang mga laboratory examination.
Ang mga pasyenteng papasa ay sasailalim naman sa huling screening mula Enero 26 hanggang 29, 2026, sa Magallanes Coliseum, Masbate City, dala ang kumpletong laboratory results. Ang mga maaaprubahan ay isasama sa iskedyul ng libreng operasyon na isasagawa mula Enero 26 hanggang 30, 2026, sa Masbate Provincial Hospital.
Ako ay taos-pusong nananawagan sa ating mga kababayan na magpakonsulta nang maaga, ihanda ang lahat ng kinakailangang dokumento at laboratory results, at sumunod sa mga alituntunin ng ating mga healthcare workers upang maging maayos at mabilis ang proseso. Ang lahat ng admission requirements ay masusing ibe-verify isang araw bago ang itinakdang operasyon.
Ang programang ito ay patunay ng ating patuloy na hangarin na ilapit ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat Masbateño, lalo na sa mga higit na nangangailangan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na serbisyo, patuloy nating pinangangalagaan ang kalusugan at dignidad ng ating mamamayan.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Masbate Provincial Hospital, sa inyong Municipal o Provincial Health Office, o sa mga itinalagang screening centers.
#GovernorRichardKho #GRTK
CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/p/1DL4TDYeoN/









