Skip to main content
GOV.PH | Philippine Standard Time: 05 October 2026, 07:12 AM

NO TO OPEN BURNING

Sa gitna ng El Niño, tumitindi ang init at tagtuyot kaya mas mabilis kumalat ang apoy at mas nagiging mapanganib ang open burning. Ang pagsusunog ng dahon, damo, at basura ay naglalabas ng mapanganib na usok na may fine particulate matter (PM2.5) na maaaring magdulot ng hika, sakit sa baga, sakit sa puso, at iba pang komplikasyon sa kalusugan. Bukod dito, nagdudulot ito ng polusyon sa hangin, greenhouse gases, at panganib ng sunog sa komunidad. 📜 Ayon sa RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000): Mahigpit na ipinagbabawal ang open burning ng solid waste dahil ito ay nakakasama sa kalikasan at kalusugan ng publiko. 🌱 Mga Sustainable na Alternatibo (Hindi Pagsusunog): Compost o Pataba Pagsama-samahin ang mga tuyong dahon, sanga, at iba pang organikong materyales sa compost pit o bin. Sa natural na proseso ng decomposition, ito ay nagiging soil conditioner na nagpapabuti ng istruktura ng lupa at nagbibigay sustansya sa mga halaman. Mulch (Pang-takip sa Lupa) Ikalat ang mga tuyong dahon sa paligid ng halaman upang mapanatili ang soil moisture, makontrol ang pagtubo ng damo, at maprotektahan ang ugat laban sa matinding init lalo na ngayong tag-init. Potting Mix Ingredient Durugin ang tuyong dahon at ihalo sa lupa upang maging mas maluwag (aerated) ang potting mix at magkaroon ng mas maayos na drainage, na mahalaga sa malusog na paglaki ng halaman. -Tandaan: Ang simpleng pagsusunog ay may malaking epekto mula sa kalusugan hanggang sa kalikasan. -Alaga sa Kalikasan, Proteksyon sa Kalusugan! Malinis na hangin ay karapatan ng bawat Milagreño. -Kung may makita o masaksihang paglabag, ipagbigay-alam agad sa pinakamalapit na ahensya. -Makiisa at suportahan ang adbokasiya ng: ZERO WASTE Milagros CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/14ao23cdUGy/
Skip to content