OPISYAL NA PAHAYAG
Batay sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA, mararanasan ang malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa lalawigan ng Masbate simula bukas, Lunes, Nobyembre 3, 2025, dulot ng Tropical Cyclone #TinoPH. Inaasahan din ang pagtaas ng tubig-dagat (storm surge) at pagbaha sa mga mabababang lugar, gayundin ang pagguho ng lupa sa mga bulubunduking bahagi ng lalawigan.
Bilang pag-iingat at para sa kaligtasan ng ating mga estudyante, guro, at mga magulang:
SUSPENDIDO ANG KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA BUONG LALAWIGAN NG MASBATE BUKAS, LUNES, NOBYEMBRE 3, 2025.
Ang opisyal na Executive Order ay ilalabas sa mga susunod na sandali.
Mahigpit na pinapayuhan ang lahat na:
Manatili sa ligtas na lugar at umiwas sa mga baybaying bahagi.
I-monitor ang mga abiso mula sa inyong LGU, PDRRMO, at DOST-PAGASA.
Maging handa sa posibleng emergency at agad tumugon sa mga paalala ng awtoridad.
Nakaalerto ang ating Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at iba pang kaugnay na ahensya upang tumugon anumang oras.
Maghimat po kita tanan kag magin Alerto!
CLICK HERE:
https://www.facebook.com/share/p/1AHjdVcAtq/



