PAMASKONG HANDOG NI MAYOR NATY AT NG LGU-MILAGROS
Ngayong araw, December 12, 2025 ginanap ang Serbisyo Caravan sa Sitio Punta Tigbao, Barangay Magsalangi, Milagros, Masbate. Ito ay pinangunahan ng ating butihing Mayor, Hon. Natividad Isabel Revil-Magbalon.
Ang Serbisyo Caravan ay ginawa upang mailapit ang mga serbisyo ng gobyerno at magbigay ng saya sa tao. Naging ekstra espesyal ang kaganapan dahil sa kasabay nito ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Naty. Namahagi ng pagkain sa mga bata, nagkaroon ng mga palaro, at namigay ng pamaskong handog food packs para sa lahat.
Kasama ng LGU-Milagros sa kaganapan ang PNP-Milagros, Punta Tigbao Elementary School Personnel, at Barangay Officials ng Barangay Magsalangi sa pamumuno ni Hon. Dodecacion I. Solis.
Maraming salamat sa lahat ng naki-isa at naki-saya! ✨
#MilagrosTODAY
#MilagrosToTheNextLevel
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/v/1Eofe9LUXh/



