#PRDPVoices | “Malaki na ang pinagbago ng barangay namin.”
Ito ang karaniwang sagot ng mga taga-Magsalangi kung sila’y kakamustahin, ilang buwan ang lumipas nang matapos ang ginawang kalsada ng DA-PRDP Scale-Up sa kanilang barangay.
At walang ibang magpapatunay nito kundi ang kanilang Punong Barangay na si Dodecacion I. Solis. Mula sa pagpaplano hanggang sa pangungumbinsi sa mga nasasakupan niya na magbigay ng bahagi ng kanilang lupa na madadaanan ng proyekto, naging bahagi siya sa pagpapatupad ng kanilang matagal nang minimithing kalsada.
Ngayong yari na ito, lubos ang kanilang pasasalamat dahil tunay na malaki ang pinagbago ng kanilang munting barangay. Ayon kay Solis, itinaas ng kalsada ang antas ng kanilang pamumuhay, mula sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at transportasyon.
Dahil umano sa pagkakaisa ng mga opisyal ng barangay at mga residente, at sa kanilang pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Milagros at sa DA-PRDP, tuluyan nang nabago ang kuwento ng dati’y mahirap abutin na barangay ng Magsalangi.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1A3XB6C55Q/



