Skip to main content
GOV.PH | Philippine Standard Time: 14 November 2026, 05:45 AM

Province-wide Eye Surgery & Hearing Test Project

October 7, 2026

Isinasagawa ngayong araw ang Province-wide Eye Surgery & Hearing Test Project, na isinisponsoran ng Rotary Club of Masbate at Create Lasting Impact, kasama ang mga dedicated doctors mula Australia at sa pakikipagtulungan ng LGU-Milagros.

Malaking tulong ang libreng serbisyong ito sa ating mga kababayan, lalo na sa mga nangangailangan ng pagsusuri at pangangalaga para sa kanilang paningin at pandinig.

Taos-pusong nagpapasalamat ang LGU-Milagros, sa pangunguna ni Hon. Mayor Natividad Isabel Revil-Magbalon, sa mga doctors, volunteers, at lahat ng naging bahagi ng programang ito para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat sa inyong oras at pusong handang maglingkod. 🙏

Sama-sama nating binibigyang liwanag ang paningin, pinapalinaw ang pandinig, at higit sa lahat, nagbibigay ng pag-asa.

#MilagrosTODAY

Skip to content