WORK AND CLASS SUSPENSION August 26, 2025
❗WORK AND CLASS SUSPENSION ❗
Ayon sa declaration ni DILG Secretary, suspendido ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at mga tanggapan ng pamahalaan sa buong Lalawigan ng Masbate.
Bilang tugon sa kasalukuyang lagay ng panahon at sa abiso mula sa DOST-PAGASA, inaasahang makararanas ang lalawigan ng malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin mula ngayong araw hanggang bukas ng hapon, Martes, Agosto 26, 2025. Ang mga pag-ulang ito ay dulot ng Low Pressure Area (LPA) na nagpapalakas sa habagat, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa, partikular sa mga mabababang lugar at bulubunduking bahagi ng Masbate.
Bilang hakbang para sa kaligtasan ng lahat:
• Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa buong Lalawigan ng Masbate sa Agosto 26, 2025.
• Walang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, maliban sa mga essential personnel gaya ng first responders, disaster risk reduction teams, at emergency services.
Mga Paalala sa Publiko:
– Iwasan ang pagtawid sa mga ilog, sapa, at binabahang kalsada.
– Maghanda ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, gamot, at flashlight.
– Siguraduhing nakasara at ligtas ang mga kable ng kuryente at gas.
– Manatili sa loob ng inyong tahanan hangga’t maaari at umiwas sa paglalakbay kung hindi mahalaga.
– Makinig at sumubaybay lamang sa mga opisyal na abiso mula sa pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.
Para sa karagdagang impormasyon at agarang tugon sa emergency, maaari pong makipag-ugnayan sa:
📞 Hotline Numbers: 0945-709-5092 | 0963-226-0916
📱 Facebook Page: MDRRMO Milagros
#milagrostothenextlevel
#MilagrosTODAY
Please click link for more information: https://www.facebook.com/share/p/175f8dou28/
Please click link for more information: https://www.facebook.com/share/p/175f8dou28/



